? ??????????????????? ????Easy Install Instructions:???1. Copy the Code??2. Log in to your Blogger account
and go to "Manage Layout" from the Blogger Dashboard??3. Click on the "Edit HTML" tab.??4. Delete the code already in the "Edit Template" box and paste the new code in.??5. Click "S BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS ?

Saturday, November 28, 2009

♥ Isang damdamin na kahit nasasaktan na ♥


Isang damdaming umiibig pa rin kahit nasasaktan na. Isa sa pinaka problema ng bawat tao ay yung tipong nasasaktan na ngunit patuloy pa rin na umiibig kahit sobra na. Sa sitwasyon kong ito, tanggap ko na kahit nuh pang gawin kong pagpapaka seryooso sa isang tao ay bigo pa rin ako na mahalin at seryosohin niya ako. Sa sitwasyon ko ba namang ito, Ewan ko lang. Pero ito lang ang maipagmamalaki ko sa mga taong minahal ko ng sobra pero sinaktan at iniwan lang nila ako, Kahit ganto man ako, Isa akong tapat, mapagmahal, mapagbigay, maunawain, seryoso at sobrang mabait na tao. Kahit saktan pa nila ako ng kahit ilang bisis. Hindin hindi ako mawawalan ng pag-asa sa buhay. Lalaban at lalaban ako kahit sobrang nasasaktan nako at natatapakan na buong pagkatao ko. Laitin man ako, sabihin mang akoy gago, hinding hindi ako magpapatalo sa laban kong gusto kong maipanalo. Nagpapasalamat ako sa mga taong minahal ko ng sobra-sobra ngunit itoy kanilang inabuso. Nang dahil sa ginawa nila saking yun, Na uunawaan ko ng mas mabuti kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal. Mas lalo kong nalalaman kong bakit laging ganon nalang ang nangyayari sakin sa tuwing nagmamahal ako ng sobra-sobra. Pilit ko mang kalimutan ang lahat ng nangyaring masaklap sa buhay ko, babalik at babalik din ito sa isip at sa puso ko sa tuwing nasasaktan nako. Kahit sa pagkakaalam ng iba na akoy isang matapang na tao, ngunit pag pag-ibig na ang pinag uusapan, ang kahinaan ko ay natutuklasan ng bawat taong kinakasama ko. Only love can make me feel weak.Lahat ng paraan upang di lang ako masaktan gagawin at gagawin ko, pero paano ko maiiwasan ang masaktan kung akoy nagmamahal ng tunay at tapat sa isang tao. Nasasaktan ang damdamin ko sa tuwing minamaliit ang kakayahan ko, natatapakan na pagkatao ko, at sa tuwing nakikita at nararamdaman kong ang tang minamahal ko ay unti-unti ng lumalayo sa piling ko. Hindi ko nalnag pinapakita ang lahat ng mga nararamdaman kong sakit dahil ayaw kong may malulungkot at may nasasaktang tao dahil lang sa nasasaktan ako. Pilit kong itago ang lahat ng mga hinanakit ko ng sa ganun nakikita ng mga taong naka paligid sakin na masaya ako, ngunit sa kalooban kong ito, akoy lubos na nasasaktan, nalulungkot, at naiiyak. Itatago ko nalang ang yun sa paraang gusto ko. Nang sa gayon ako lang ang nakaka alam kung anung nararamdaman ng puso ko.Alam ko namang lahat tayo ay may kanya kanyang kahinaan sa buhay. Lahat tayo ay may mga takot na baka dumating ang araw na mararamdaman nating labis na tayong nasasaktan ng dahil sa pag-ibig . Pilit man nating bulagin ang mga mata natin sa katotohanan, at lokohin natin ang ating sarili, mararamdaman at mararamdaman nating nasasaktan na pala talaga tayo. Sa mga panahong ito. Sana, hindi ko na maramdaman yung sakit na pilit kong iniiwasan.

0 comments: