Isa lang akong simpleng taong may mga simpleng kahilingan sa buhay na gustong gusto kong matupad at mangyari. Una sa lahat gusto ko lang sanang maging masaya kasama ang pinakamamahal kong girlfriend at maramdamang mahal niya akong talaga. Yung tipong nararamdaman kong ako lang sa buhay niya. Yung ako ang una sa mga prioridad niya. Yung tipong di niya kayang nakikita akong nasasaktan. Yung tipong masasabi niyang ' Kontento nako sayo at ayoko ng maghanap pa ng iba dahil ikaw lang yung gusto kong makasama habang buhay'. Yung tipong nagagalit siya pag may nagpapcute sakin dahil nagseselos siya. Yung ayaw man lang niyang mahawakan ako ng iba dahil siya lang yung pwede. hehehehe!!! (selfIsH) Tsaka yung ayaw niyang maramdaman ko yung insekyuridad at pag-aalala dahil sa mga nanaliligaw sa kanya. Yung kaya niyang baguhin yung sarili niya dahil mahal niya ko. Napapatawa ako pag nalulungkot ako.hehehe!!! Pangalawa, Yung matanggap ako ng pamilya ng girlfirend ko. hmmpp!! Pangatlo, Makatapos ng pag-aaral at makahanap ng mabuting trabaho ng kumita ng maganda at meh papakain sa asawa ko..awwwhh☺!!!!!!! Ang pinaka huli sa lahat, Yung makikita kong masaya yung MAma ko para sakin kasi nagawa ko yung lahat ng gusto niyang magawa ko. At makatulong ako sa kanya balang araw...☺☺☺☺
Saturday, November 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment